Manila, Philippines- Nagkasama sa isang out-of town Christmas lighting ceremony sina Kyline Alcantara at ang model at basketball player na si Kobe Paras kamakailan.
Natanong naman sa isang panayam si Kobe hinggil sa plano nito sa darating na Kapaskuhan.
Ani Kobe, panalangin daw niya na makasama ang kanyang mga magulang.
Dagdag pa niya, kung hindi raw naman matutupad ang wish niya, solb na raw siya na makapiling ang rumored girlfriend na si Kyline at ang pamilya nito during the holidays.
“I just hope na makasama ko parents ko. I know they’re busy, my mom is in Europe, while my dad is busy with his side of his family.
“So hopefully, makasama ko sila, but if not, I’ll be with Kyline and her family,” ani Kobe.
Sey pa ng guwapong cager, simple lang daw naman ang ninanais niya sa darating na Pasko.
Ito raw ay ang maipagluto siya ni Kyline.
“Sana kahit ano’ng lutuin ni Ky,” hirit niya.
Sumagot naman si Kyline na katabi niya na hindi raw siya laking kusina.
“Hindi nga ako marunong magluto,” bulalas ni Kyline.
Ayon pa sa dalawa, tuwing Pasko raw ay hinahanap nila ang traditional Pinoy food tulad ng lumpiang shanghai, lechon, bopis, pancit at iba pa.
Matatandaang nitong Nobyembre ay naging talk of the town ang couple nang aminin ni Kobe sa isang interview sa isang magazine na idini-date na niya ang “Shining Inheritance” star. Archie Liao