Home METRO 36-foot Christmas Tree pinailawan sa Pasay

36-foot Christmas Tree pinailawan sa Pasay

109
0

MANILA, Philippines- Bilang preparasyon sa napipintong selebrasyon ng Araw ng Pasko ay sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pagsisindi ng 36-foot Christmas Tree kabilang ang samu’t saring kumukutitap na ilaw ng lungsod sa city hall grounds Martes ng gabi, Disyembre 3.

Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kabilang si lone City Representative Tony Calixto pati na rin ng mga konsehal at bise alkalde ng lungsod na si Waldetrudes “Ding” del Rosario.

Ayon kay Calixto-Rubiano, sinisiguro ng lokal na pamahalaan na maging simple ngunit maayos ang mga gaganaping selebrasyon kaugnay sa inilabas na kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang lahat ng ahensya ng gobyerno ay kailangang iprayoridad ang tulong na nararapat na ipagkaloob sa mga nabiktima ng bagyo at iba pang kalamidad.

Inatasan din ni Calixto-Rubiano ang mga namumuno ng bawat departamento na iwasan ang pagsasagawa ng magarbong selebrasyon ng kani-kanilang Christmas party.

“This Christmas, we celebrate not only the festive spirit but also our commitment to helping those in need. Our city’s Christmas celebrations will be a testament to our values of joyful celebrations and responsible stewardship of public resources,” ani Calixto-Rubiano.

Ang pagpapailaw ng 36-foot Christmas Tree na inadornahan ng iba’t ibang ornaments na may kulay pink, libo-libong kumikinang na ilaw at mga idinisenyong kahon ng regalo ang makikita sa naturang aktibidad na nagbibigay ng buhay sa paparating na Kapaskuhan.

Kasabay nito ay namahagi rin si Calixto-Rubiano ng maagang pamasko sa 161 bata kabilang na rin sa senior citizens na kasabay na nagdiwang ng kanilang kaarawan sa araw mismo ng Pasay Day gayundin ang fireworks display na sinindihan naman kasabay ng pagpapailaw ng malaking Christmas tree sa tapat ng city hall. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here