Home NATIONWIDE Mga pamilyang maiiwan ng mga POGO deportees aasistihan ng DSWD

Mga pamilyang maiiwan ng mga POGO deportees aasistihan ng DSWD

152
0

MANILA, Philippines- Nag-alok ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng mga dayuhan na nakatakdang i-deport dahil sa kanilang pagkakasangkot sa illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Saa ulat nitong Miyerkules, ang mga magulang ng mga batang ito ay naglaan ng kanilang oras at panahon na tila ay kanilang huling mga araw na magkakasama habang hinihintay ang desisyon kaugnay sa kanilang deportasyon.

Sa kabilang dako, nakipag-ugnayan na si DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) hinggil sa detalye para sa custody turnovers at livelihood assistance para sa mga pamilya na maiiwan sa bansa.

“Meron tayong haven for women and children. Pwedeng diyan muna natin dalhin yung mga nanay at kanilang mga anak. Ikakapacitate natin sila, iimprove natin kanilang skills, livelihood opportunities para sila ay makapagsimula on their own,” ang sinabi ni Dumlao.

Kamakailan, sinabi ng PAOCC na sinusuportahan nito ang 15 kabataan na ang edad ay zero hanggang tatlong taon, matapos na ma-deport ang kanilang ama. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here