SEOUL, South Korea – Umiral na nitong Miyerkules ang “Comprehensive Strategic Partnership Treaty” na pinagkasunduan ng mga pinuno ng North Korea at Russia noong Hunyo sa pagpapalitan ng “ratification instruments” sa Moscow, ayon sa ulat ng KCNA news agency ng North Korea nitong Huwebes.
Nilagdaan ang treaty sa pagbisita ni Russian President Vladimir Putin sa Pyongyang noong Hunyo at sa isang summit kasama si Kim Jong Un ng North Korea, saklaw ang isang mutual defence pact para sa agarang military assistance sakaling maharap sa armed aggression.
Magsisilbi itong “strong driving force accelerating the establishment of independent and just multi-polarized world order without domination, subjugation and hegemony,” base sa KCNA.
Ang pagbisita ni Putin at kasunduan sa pagpapalalim ng military cooperation sa pagitan ng dalawang bansa ay sa gitna ng umiigting na pagkakasangkot ng Pyongyang sa kaguluhan sa Ukraine, kung saan mahigit 10,000 North Korean troops ang itinalaga upang makipaglaban katulong ang Russia.
Hindi naman kinilala ng dalawang bansa ang deployment o ang shipments ng libo-libong containers ng ammunition mula sa Norte maging mobile howitzers at rocket launchers. RNT/SA