Home NATIONWIDE Panukala na pagpapalawig ng termino ng barangay execs lusot na sa committee...

Panukala na pagpapalawig ng termino ng barangay execs lusot na sa committee level

211
0

MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng House committee on local government sa pamumuno ni Negros Oriental Rep. Manuel Sagarbarria ang panukalang batas na nagsusulong na mabigyan ng term extension ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Ang term extension ay kasunod ng panukala na amyendahan ang Section 42 ng Republic Act No. 7160 kung saan ililipat ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Maoy 2029.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 10747 ay magkakaroon na ng anim na taong termino ang elected barangay officials sa halip na tatlong taon.

Sa paghahain ng panukala, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang pagkakaroon ng anim na taong fixed term ng barangay officials ay magtitiyak na magtutuloy-tuloy ang mga naumpisahang proyekto gayundin ay makaiiwas at mapoprotektahan ang mga opisyal sa pamumulitika.

“To be honest, we have been confused about the status of barangay officials’ terms, when I was still the Majority leader, there were many extensions, and then there was a Supreme Court ruling. That’s why we need to fix and set the terms of our barangay officials,” paliwanag ni Romualdez.

Sa Senado ay mayroon ding nakabinbin na kahalintulad na panukala na inihain naman ni Sen Imee Marcos. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here