Home METRO Lider ng crime gang, kasabwat timbog

Lider ng crime gang, kasabwat timbog

204
0

MANILA, Philippines- Nadakip ng Pasig City Police personnel ang umano’y pinuno ng isang criminal group at isa sa mga kasabwat nito sa anti-drug operation, base sa Eastern Police District (EPD) nitong Miyerkules.

Sanib-pwersang nagsagawa ang Pasig police’s Drug Enforcement Unit, Intelligence Section at kaukulang sub-station ng isang buy-bust operation sa kahabaan ng Buli Creek malapit sa Villacruzes at Napico sa Barangay Manggahan ang ala-1 ng hapon nitong Martes.

Naaresto ng mga pulis ang dalawang suspek na kinilalang sina Ronny Calayo, na tinukoy ng mga awtoridad na miyembro ng criminal group; at Pol John San Buenaventura, na sinasabing ring leader.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska ng mga pulis ang 24 gramo ng shabu (crystal meth) na nagkakahalaga ng P163,200.

Sangkot ang grupo sa illegal drug operations, pagnanakaw at iba pang krimen sa Pasig City at mga kalapit na lugar, base sa ulat ng EPD.

Dinala na ang mga narekober na droga sa EPD Forensic Unit para sa laboratory examination sa Barangay Mauway, Mandaluyong City.

Samantala, nakapiit sina San Buenaventura at Calayo sa Pasig police’s custodial facilities, habang hinihintay ang reklamong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

“We gave warning to those individuals and criminals that they will not succeed and we will not stop until justice will be served to the victims as they will face the consequence of their wrongdoings in accordance with the law,” pahayag ni EPD officer-in-charge Col. Villamor Tuliao. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here