Home ENTERTAINMENT Alden, walang pahinga, babawi sa bday sa January!

Alden, walang pahinga, babawi sa bday sa January!

272
0

Manila, Philippines- Puwedeng sabihing ang male counterpart ni Rosanna Roces who once starred in the film Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga ay si Alden Richards.

Imadyinin n’yo naman kung gaano ka-toxic his work schedule has become the past days.

Magkasama sina Kathryn Bernardo at Alden sa Dubai, UAE.

November 30 kasi ang first screening date ng kanilang Hello Love Again.

Kinabukasan, December 2 ay ikalawang petsa ng screening.

Siyempre, matic nang merong meet and greet event doon na obligadong atenan nila.

To think na nitong Tuesday lang, November 26 ay kagagaling lang ni Alden sa Canada.

Kinagabihan ay nasa block screening pa siya ng HLA.

Came Thursday, balik-taping si Alden para sa Pulang Araw.

Ngaragan nga ang taping nito dahil malapit na itong matapos.

Supposedly, wala na sana ang aktor sa iba pang scheduled block screening pero pinilit pa rin niyang makarating despite his exhaustion.

Wonder kung saan kumukuha ng physical energy si Alden, hindi naman siya si Superman na sure na napapagod din!

Since malapit na ang Pasko, tiyak na hindi maisisingit ni Alden ang pahinga.

Most likely, mukhang sasamantalahin na lang ni Alden ang kanyang kaarawan sa January 2 to pamper himself with a well-deserved break!

Ang lalaking walang pahinga…bow! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here