Home NATIONWIDE BI dinikdik nina Sherwin, Risa sa pagtakas ni Roque: Alice Guo Part...

BI dinikdik nina Sherwin, Risa sa pagtakas ni Roque: Alice Guo Part 2?

205
0

MANILA, Philippines – Matinding kinuwestiyon nina Senador Sherwin Gatchalian at Senate Minority Leader Risa Hontiveros ang Bureau of Immigration (BI) sa kontrobersiyal na pagtakas ni dating Presidential Spokesman Atty Harry Roque patungong Dubai.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Gatchalian at Hontiveros na lubos na nakapagtataka kung paano nakalabas ng bansa si Roque nang hindi dumadaan sa Immigration tulad ni dating Bamban Mayor Alice Guo na nagbarko.

Anila, kailangan maipaliwanag ng Bureau of Immigration ang pagtakas ni Roque sa kabila na may Immigration Lookout Bulletin ang dating presidential spokesman na nai-contempt sa Kongreso.

Sinabi ni Gatchalian na kahit walang hold departure order laban kay Roque, maaaring matunton ang kontrobersiyal na abogado na sangkot sa paglaganap ng POGO sa bansa dulot ng ILBO base sa kasong contempt sa Mababang Kapulungan.

“[ILBO] activates all the ingress and egress, all the border control natin. And yet, nakalabas siya. So talagang malaking pagkukulang ng Immigration kung paano siya nakalabas,” ayon kay Gatchalian.

“I hope this is not an Alice Guo part 2 na allegedly nag-barko and all that. But hindi ka pwede mag-barko all the way to the Middle East. It’s impossible yan. Malaki talaga ang pagkukulang ng Bureau of Immigration pagdating sa border control. And, ito yung isang bagay na titignan din namin,” dagdag niya.

Para kay Gatchalian na lubhang nakababahala ang walang formal departure records ni Roque sa kabila nang madali siyang hanapin dahil isa itong “high-profile personalities.”

“It’s either may mga sindikato at corrupt officials na pinatakas siya or talagang mahina ‘yung ating sistema at proseso dito. It can be both. So, ito kailangan imbestigahan,” ani Gatchalian.

“I’m thinking of looking at this seriously, not because of Harry Roque alone, but nangyari na ito kay Alice Guo at siguro nangyayari ito regularly, hindi lang natin nalalaman. So dapat tignan talaga yung pagkukulang ng Bureau of Immigration,” dagdag ng senador.

Kahit kailangan pang matukoy ang katotoohanan sa pagtakas ni Roque, naniniwala si Gatchalian na tanging ang BI ang weakest link sa kaso.

“Ang danger dito, it’s weakness of our institution. Nobody will believe us anymore. Kahit na mag-issue ng warrant ang House, issue ang warrant ng Senate, issue ang warrant ng executive, for example, NBI, puwede lang sila tumakas at pumunta sa ibang bansa,” paliwang ni Gatchalian.

“It weakens the institution because justice is not being served. When you say justice, full cycle yan, from the start to the end. Pero kung sa gitna nakakatakas siya, then walang kwenta ang institutions natin,” giit pa ng senador.

Sa hiwalay na pahayag, hinikayat ni Hontiveros, nanguna sa imbestigasyon ng POGO, ang BI at iba pang law enforcement agencies na tukuyin sa mas lalong madaling panahon kung sinong personalidad ang tumulong sa pagtakas ni Roque na walang nakakaalam.

“Ang Dubai ay isang POGO hub kaya baka mga POGO actors din ang tumulong sa kanya,” ayon kay Hontiveros.

“The BI still has a lot of explaining to do. Kahit ang pagtakas ni Guo Hua Ping papuntang Indonesia, wala pa rin silang sagot kung paano nangyari,” giit ni Hontiveros.

Kinastigo rin ni Hontiveros ang BI sa mabilis na pagtakas ng pugante palabas ng bansa.

“Kapag mga ordinaryong Pilipino na lumalabas ng bansa, pahirapahan sa Immigration, pero kapag mga pugante, tila ang dali makalusot,” aniya.

“POGO is officially banned in the country kaya dapat wala nang anumang impluwensya ang mga taga-POGO sa ating mga institusyon, lalo na sa ating Immigration,” giit pa ng senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here