Home NATIONWIDE Escudero nagpasalamat sa mga senador, staff

Escudero nagpasalamat sa mga senador, staff

218
0

MANILA, Philippines- Lubos na nagpasalamat si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa kasamahan sa Senado kabilang ang lahat ng opisyal at staff ng Mataas na Kapulungan na palaging nasa likuran upang umayos ang takbo ng sangay ng lehislatura.

Sa kanyang talumpati sa pagsasara ng sesyon ng Senado para sa taong kasalukuyang, pinasalamatan ni Escudero ang majority bloc na sumuporta sa kanya kabilang ang minorya na kinabibilangan nina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.

Pinasalamatan din ni Escudero ang Senate staff sa walang sawang pagtupad ng tungkulin sa kabila ng pagkansela sa Christmas Party.

“Kayo ang nagpapaganda sa amin sa harap ng kamera bagaman kayo ay nasa likod ng ilaw ng kamera,” aniya.

Tinapos ni Escudero ang kanyang mensahe na may panalangin na magkaroon ang lahat ng makabuluhang Kapaskuhan at masaganang 2025 sa lahat.

“Nawa’y harapin natin ito ng may buong pag-asa, pananampalataya, at paniniwala na ang darating na 2025 ay maging mas maganda, mas maayos, mas magbibigay ng kaunlaran at kapayapaan,” wika niya.

Kahit naka-recess ang sesyon, tuloy ang lahat ng regular standing, oversight, at special committees na magsawa ng pagdinig, pagpupulong at konsultasyon sa ilalim ng Senate Resolution 21.

Layunin nito na tiyakin ang patuloy na deliberasyon sa nakabinbin na panukalang batas at payagan ang imbestigasyon sa pambansang isyu sa tulong ng legislative process.

Magbabalik ang regular session ng Kongreso sa Enero 13, 2025. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here