Home HOME BANNER STORY Nat’l budget titintahan bago matapos ang taon – PBBM

Nat’l budget titintahan bago matapos ang taon – PBBM

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes na lalagdaan niya ang P6.352 trillion national budget para sa 2025 bago matapos ang taon.

Sinabi ng Pangulo na ang expenditure program, partikular na ang ilang isiningit na hindi bahagi ng original budget na ni-request, ay dapat na sinisiyasat.

Sa isang ambush media interview matapos ang event sa Villamor Airbase sa Pasay City, winika ni Pangulong Marcos na ang panukalang 2025 national expenditure program ay inaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“It’s up to the executive branch to decide on the next move,” ang sinabi ng Pangulo.

“It’s finished in Congress. Tapos na. So, it’s up to us now to look at the items and to see what are appropriate, what are relevant, and what are the priorities,” dagdag niya.

“I think we’ll be able to do it before the year ends,” ang tinuran nito sabay sabing ang orihinal na iskedyul ng paglagda sa national outlay ay araw ng Biyernes, Disyembre 20.

Ayon sa Pangulo, nais niyang masiguro na ang 2025 budget ay direkta sa mga pangunahing proyekto.

“It must have stronger safeguards on spendings, particularly on insertions,” giit ni Marcos.

Natuklasan ng mga mambabatas ang ilang project proposals ng walang “appropriate program of work” o dokumentasyon.

Salat din ito sa kalinawan kung saan gugugulin ang pera.

“Hindi naman tayo nagkaroon ng napakalaking budget na savings. Hindi nga. Kulang-kulang. Kaya’t kailangang maingat na maingat tayo kasi ‘yung ginagastos diyan ay,  hindi naman karamihan pero meron diyan, utang,” ang sinabi ng Pangulo.

“Kaya’t kailangan mapunta sa tama para mabayaran natin ‘yung utang. May bawi naman tayo doon sa ginastos natin, doon sa inutang natin. That’s what we are trying to clarify,” dagdag na pahayag ng Chief Executive. Kris Jose