Home METRO 37 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

37 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

118
0

MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Bulkang Kanlaon ng 37 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes.

Nagbuga rin ang bulkan ng 3,639 tonnes ng sulfur dioxide nitong Linggo.

Gayundin, naobserbahan ang usok na may taas na 500 metro na kumilos patungong southwest at west direction.

Nananatili ang Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) sa Bulkang Kanlaon.

Pumutok ang nasabing bulkan noong Disyembre 9. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here