Home NATIONWIDE P314.5M Ultra Lotto 6/58 jackpot nasolo

P314.5M Ultra Lotto 6/58 jackpot nasolo

MANILA, Philippines- Nasungkit ng isang mananaya ang Ultra Lotto 6/58 jackpot na mahigit P314 milyon nitong Linggo.

Sa live broadcast, binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang winning combination na 36-46-16-19-23-27 para sa Ultra Lotto 6/58, kung saan napanalunan ng mananaya ang P314,591,292.80. 

Wala namang nanalo ng iba pang malaking jackpot nitong Linggo. Ang winning numbers para sa Superlotto 6/49 ay 12-35-16-07-45-42, na may premyong P15,840,000. RNT/SA