Home NATIONWIDE Amihan, shear line, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng PH

Amihan, shear line, ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng PH

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Northeast Monsoon (Amihan), shear line, at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ng maulap na kalangitan na sasabayan ng pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon na nakaaapekto sa Northern Luzon.

Inaasahan naman sa Camarines Norte, Camarines Sur, Marinduque, Oriental Mindoro, Quezon, at Aurora ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line na nakaaapekto sa eastern sections ng Central Luzon at Southern Luzon.

Nakaamba sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Central Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa monsoon.

Samantala, inaasahan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated  rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Naaapektuhan naman ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region ng ITCZ.

Posibleng makaranas ang Visayas at Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ.

Ang coastal waters ay magiging “strong” sa Northern at Central Luzon, at moderate to rough in sa eastern sections ng Southern Luzon at Visayas.

Samantala, iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:23 ng umaga at lulubog ito ng alas-5:41 ng hapon. RNT/SA