Home METRO 2 menor de edad, itinulak sa bangin sa CDO

2 menor de edad, itinulak sa bangin sa CDO

100
0

MANILA, Philippines – Nasagip ang dalawang menor de edad matapos silang itulak sa bangin ng grupo ng mga kabataan na kanilang naka-alitan sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City.

Sa video ng insidente, makikita ang isa sa mga biktima na itinutulak sa gilid ng bangin sa Coastal Road.

Itinulak din ang ikalawang biktima ngunit hindi na nakuhanan sa video.

“Itong dalawang menor de edad nagpahangin doon, ayon sa kanyang stepmother. Bigla lang daw nilapitan at inatake nitong grupo ng mga menor de edad,” pahayag ni Cagayan de Oro City Police spokesperson Police Lieutenant Colonel Evan Viñas, sa panayam ng GMA News.

Anang pulisya, natukoy na nila ang mga kabataan na tumulak sa dalawang biktima.

Nakatakdang maghain ng reklamo ang mga biktima dahil dito.

Samantala, sinabi ng Cagayan de Oro police na patataasin pa nila ang police visibility sa lugar at nagpaalala sa mga magulang na huwag nilang hayaan ang mga anak na tumambay sa Coastal Road.

“Ang station 3 personnel, nagsagawa na ng follow-up [operations] para mabigyang lunas ang nangyari,” ani Viñas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here