Home NATIONWIDE 5 patay sa malawakang sunog sa CaliforniaNATIONWIDETOP STORIESWORLD 5 patay sa malawakang sunog sa CaliforniaJanuary 9, 2025 10:54 FacebookTwitterPinterestWhatsApp UNITED STATES – Lima katao na ang iniulat na nasawi at marami ang sugatan sa kabi-kabila at malawakang sunog na sumiklab sa Southern California.Kaugnay nito, libo-libong mga residente ang inilikas sa mahigit 15,000 acres ng lupain na nasusunog sa Pacific Palisades, Los Angeles.Lampas 300 tirahan at ari-arian na ang napinsala ng sunog, at 13,300 iba pa ang nanganganib na matupok.Samantala, ang sunog sa Eaton, na ilang milya ang layo mula sa Palisade, ay lumawak pa sa mahigit 10,000 acres at may 0% containment.Sumiklab din ang isa pang sunog sa Hurst, na nasa hilagang silangan ng San Fernando, kung saan 700 acres ang natupok nito.Sa Sepulveda Basin, nasa 30 acres ang nasunog sa Woodley Fire, at 50 acres naman sa Lidia Fire sa Acton.Samantala, mahigit 1.5 milyong customer sa California ang walang suplay ng kuryente. RNT/JGC