Home NATIONWIDE PCG naka-alerto sa pagtawid ng Andas ng Poong Hesus Nazareno sa Ayala...

PCG naka-alerto sa pagtawid ng Andas ng Poong Hesus Nazareno sa Ayala Bridge

MANILA, Philippines – Pababa na ng Ayala Bridge pakaliwa papuntang Carlos Palanca ang Andas ng Poong Jesus Nazareno matapos matagalan ng higit isang oras sa tulay.

Nakapagpabagal sa pag-usad ng Andas ang pagsampa ng mga deboto bukod pa sa iisang tali na na lamang ang nagsisilbing gabay ng andas.

Kapansin-pansin din na wala na sa direksyon ang usad ng Andas.

Nang makabwelo, naka-andar din ang Andas habang tulak-tulak ng mga deboto paakyat ng Ayala Bridge.

Pag-akyat ng tulay ay bahayang bumilis ang Andas.

Mayroon namang mga deboto na umakyat sa mga railings ng tulay sabay talon pagdaan ng Traslacion.

May mga umiikot namang PCG assets o tugboat sa Ilog Pasig sa ilalim ng Ayala Bridge upang agad na makaagapay sa anumang mangyayaring aksidente.

Nananatili namang nasa mahigit kalahating milyon ang sumama sa Traslacion na inaasahang tatagal hanggang mamayang gabi o bukas ng madaling araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden