Home NATIONWIDE FDA nagbabala vs mercury-laced skin products

FDA nagbabala vs mercury-laced skin products

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga consumer laban sa unauthorized skin-lightening products na naglalaman ng mercury.

Sa pahayag nitong Miyerkules, Enero 8, pinuri ng
toxics watchdog na EcoWaste Coalition ang mabilis na aksyon ng FDA kasunod ng mga sumbong na may mga cosmetics na lumalampas sa allowable race limit ang mercury levels nito.

Ang mercury ay ipinagbabawal sa cosmetic formulations sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive.

Nauna nang sinita ng FDA ang limang imported skin-lightening products na ibinibenta online nang walang kaukulang certificates of product notification.

Kabilang dito ang Q-nic Care Whitening Night Cream at Q-nic Care Whitening Underarm Cream, na napag-alamang naglalaman ng mercury levels na 4,113 ppm at 6,109 ppm, lampas sa 1 ppm limit.

Ipinagbawal din ang dalawang produkto, ang Meyyong Ra Seaweed Super Whitening Set at Lady Gold Super Gluta Brightening, na naglalaman ng 3,784 ppm at 44,450 ppm ng mercury.

Negatibo naman sa mercury ang isa pang produktong Malaysia Erna Whitening Cream ngunit hindi awtorisado na ibenta dito sa Pilipinas.

Hinimok ng FDA ang publiko na tingnan muna ang produkto kung ito ay may beripikadong rehistro sa ahensya.

Binalaan din ang mga establisyimento laban sa pagbebenta ng mga hindi awtorisadong produkto. RNT/JGC