Home NATIONWIDE Senado target makalipat sa bagong gusali sa 2026-2027 – Escudero

Senado target makalipat sa bagong gusali sa 2026-2027 – Escudero

267
0

MANILA, Philippines – Target ng Senado na makalipat na sa bagong gusali nito sa Taguig sa 2026 o 2027, sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Lunes, Pebrero 10.

“Hindi aaga ng December 2026 at sana hindi na lumampas ng December 2027,” sinabi ni Escudero sa isang press conference.

Mula 2018, inilaan ang P23.5 milyong badyet para sa bagong Senate building, at P4.2 bilyon ang ilalaan naman mula sa 2025 national budget.

Ani Escudero, ang pinal na project cost ay inaayos pa.

“‘Yung amount ang tinitignan nila although pina-finalize nila ‘yong costing ay ipa-finalize. Hopefully, this week na ‘yon ‘yong ceiling amount natin para matapos ‘yon at hindi na rin lalampas doon,” aniya.

“Pwedeng bumaba pero hindi na dapat lumampas ‘yong amount para makumpleto,” dagdag pa ng Senate President.

Bagamat target na makalipat sa pagitan ng 2026 at 2027, naniniwala si Escudero na ang transition ay dapat na mangyari sa 2028 matapos ang national elections.

“Kung ako ang tatanungin mo, 2028 na kami dapat lumipat para ‘yong mga patapos ‘yong mga hindi na tatakbo ay hindi na gastusan pa ng pamahalaan sa mga opisina nila na anim na buwan na lang naman.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here