Home NATIONWIDE NBI dumepensa sa paghahain ng reklamo vs VP Sara

NBI dumepensa sa paghahain ng reklamo vs VP Sara

125
0

MANILA, Philippines- “No one is above the law.”

Ito ang binigyang-diin ni NBI Diretor Judge Jaime Santiago nitong Huwebes matapos silang maghain ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Iginiit ni Santiago na ang paghahain nila ng reklamo laban kay VP Sara ay hindi dahil sa kanyang posisyon.

“At ito pong kaso na ipinataw, isinampa namin laban kay Vice President, that was filed not because she is a Vice President. That was filed because she committed a crime,” ayon kay Santiago.

Inisyu ni Santiago ang pahayag nang hingan ng komento sa akusasyon ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na hina-harass umano ng NBI ang Bise Presidente.

Giit ni Santiago, ang NBI ay “neutral, impartal at apolitical.”

Nitong Miyerules lamang ay naghain sa Department of Justice ng reklamong inciting to sedition at grave treaths ang NBI laban kay VP Sara kaugnay ng kanyang naging banta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa First Lady at House Speaker. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here