TUMATAGINTING na P1.4 bilyong halaga ng mga imported na mamahaling sasakyan ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs’ (BOC) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na bodega na matatagpuan sa Pasay at Parañaque City nitong Pebrero 13, 2025.
Ayon sa BOC, nakatanggap umano sila ng mga larawan ng mga di umano’y smuggled na mamahaling sasakyan na ibinebenta online kaya’t agad silang nagsagawa ng beripikasyon kung saan inalam din nila kung ang mga ito ay nagbayad ng kaukulang buwis.







