MANILA, Philippines – Umiwas ang Malacañang na magbigay ng komento sa pinakabagong kritisismo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa administrasyong Marcos.
Ang nasabing pagpaparinig ng dating Pangulo ay partikular sa mataas na presyo ng bigas at akusasyon ng paggamit ng iligal na droga kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“No comment,” ang sabi naman ni PCO Acting Secretary Cesar Chavez sa Palace reporters.
Sa isang rally ng PDP Laban, sinabi ni Duterte na may pangmatagalang epekto ang paggamit ng droga kay Marcos.
Nanatili namang “no comment” ang Presidential Communications Office (PCO), habang dati nang sinabi ni Marcos na maaaring dulot ng matagalang paggamit ng fentanyl ang mga pahayag ni Duterte. RNT