Home ENTERTAINMENT PGT, tinabla ni Vice sa GGV!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES PGT, tinabla ni Vice sa GGV!February 14, 2025 17:21 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines – Kapansin-pansin ang mga recent posts ni Vice Ganda na wari’y nagsasagawa ng survey among her fans.Tinatanong kasi ng Unkaboggable Star kung gusto ng mga ito na bumalik sa ere ang Gandang Gabi Vice.‘Yun naman pala, eh!Ayon sa Showbiz Update nina Ogie Diaz, balitang magbabalik ang GGV sa ere.Ito ‘yung late night weekend show ni Meme na may studio audience.Dahil sa balitang magbabalik ito sa TV kung kaya’t napagtanto nina Ogie na kaya pala tinanggihan ni Vice Ganda na maging judge uling magbabalik ding Pilipinas Got Talent.Kung matatandaan, ang mga huling nagsilbing hurado ng PGT bukod kay Vice Ganda ay sina Angel Locsin, Freddie Garcia at Robin Padilla.Hirit ni Mama Loi na kasamahan ni Ogie sa programa: “Kung babalik din sa ere ang PGT, posible kayang bumalik na rin si Angel?”Sagot: hindi imposible.Kapag nagkataon, magandang comeback vehicle ‘yon para kay Angel.Picking it from where she left off. Ronnie Carrasco III