Home NATIONWIDE Tsina ‘walang say’ sa pananatili ng US Typhoon Missile System sa Pinas

Tsina ‘walang say’ sa pananatili ng US Typhoon Missile System sa Pinas

MANILA, Philippines – Hindi maaring diktahan ng China ang Pilipinas sa desisyon hinggil sa pananatili sa bansa ng US Tyhon Missile System sa bansa.

Ito ang inihayag ni Deputy National Security Adviser Asec. Jonathan Malaya sa isang press conference sa Philippine Coast Guard West Philippine Sea Transparency Group Office nitong Biyernes, Pebrero 14.

Giit ni Malaya, walang pakialam ang China kung anong plano at gawin sa mga missile mula sa Amerika.

Binigyang-diin ng opisyal, tuwing magsasagawa ng military exercises ang China lalo ang pagpapalipad ng missile nito ay hindi rin naman nakikialam ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Malaya, wala rin karapatan ang China kung nais ng bansa na palakasin pa ang kapasidad sa pagbabantay at pagtatanggol sa mga nasasakupan.

Muling iginiit ng opisyal na idineploy ang mga typhon missiles bilang defense capabilities at gagamitin lamang ito kung kinakailangan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)