Nailigtas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 34 Indonesian nationals na di-umano’y ikinulong at pinilit magtrabaho sa isang ilegal na Philippine offshore gaming operation (POGO) sa Pasay City.
Dalawang Chinese nationals ang naaresto, kabilang ang isang dating miyembro ng China’s People’s Liberation Army (PLA).
Kinumpiska umano ng mga suspek ang mga pasaporte ng mga biktima upang hindi makalabas ng bansa.
Pinaniniwalaan ding planong ilipat ang mga Indonesians sa Cambodia upang gawing scammers.
Nakikipag-ugnayan na ang PAOCC sa Embahada ng Indonesia at Interpol para sa boluntaryong pagpapauwi ng mga biktima. RNT