Home IN PHOTOS Patas at maayos na eleksyon 2025 sigaw sa UP Oblation Run

Patas at maayos na eleksyon 2025 sigaw sa UP Oblation Run

(c) Edd Castro

MANILA, Philippines – Idinaos ng Alpha Phi Omega (APO) Fraternity Inc. ang taunang Oblation Run sa University of the Philippines Diliman ngayong Pebrero 14 na may temang “Boto Mo, Hindi Benta Mo!”

(c) Edd Castro

Sampung hubad at naka-maskarang miyembro at alumni ng APO ang tumakbo sa Palma Hall bitbit ang mga plakard na may mensaheng ‘Boto Mo, Hindi Benta Mo’ na nananawagan laban sa bilihan ng boto, political dynasties, at maling impormasyon sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Nanawagan si APO alumni spokesperson Atty. Fritz Sapon sa mga Pilipino na bumoto nang tama dahil sa pangmatagalang epekto ng halalan sa kinabukasan.

Binigyang-diin niya na ang Oblation Run ay hindi simpleng palabas kundi isang plataporma para sa mahahalagang isyung panlipunan. Nagsimula noong 1977 sa panahon ng Batas Militar bilang protesta sa censorship, nananatili ang Oblation Run bilang sagisag ng adbokasiya at paglaban sa UP. RNT