Home METRO Wanted na rapist sa Caloocan, swak sa Malabon

Wanted na rapist sa Caloocan, swak sa Malabon

112
0

MANILA, Philippines – BAGSAK sa selda ang isang manyakis na mister na wanted sa dalawang bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya manhunt operation sa Malabon City.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Malabon police si alyas “Rolando”, 59, ng Brgy. Tonsuya habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Ang akusado ay dinampot ng mga tauhan ni Malabon police P/Col. Jay Baybayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 124 Presiding Judge Glenda Cabello Marin para sa kasong 2 counts of Statutory Rape na may petsang Enero 16, 2025.

Ayon kay Col. Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Catmon ang presensya ni alyas Rolando kaya inatasan niya ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na tugisin ang akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-12:50 ng tanghali sa Sanciangco St., Brgy. Catmon

Sa kanyang report kay Nothern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Baybayan na walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pinuri ni Col. Ligan ang Malabon City Police Station sa kanilang pagsisikap para hantingin ang mga most wanted individuals na nauugnay sa marahas na mga krimen. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here