Manila, Philippines – Excited na si Primetime King Coco Martin sa pagsasama-sama ng mga sikat na artista at beteranong mga pangalan sa industriya para sa pinagbibidahan niyang “FPJ’s Batang Quiapo,” na nagbubukas ng bagong yugto sa ikatlong taon ng serye.
Sa “Tatak BQ: The FPJ’s Batang Quiapo 2nd Anniversary Special,” ikwinento ni Coco kung gaano siya kasaya sa oportunidad na ito. Kamakailan nga lang ay inanunsyo ang bagong cast members tulad na lamang nina Andrea Brillantes, Jake Cuenca, Angel Aquino, Albert Martinez, Chanda Romero, Celia Rodriguez, at marami pang iba.
“Overwhelming para sa akin. Kasi imagine niyo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin ang mga veteran actor na mga icon na sa industry. Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon,” saad ni Coco.
Hmmmnnn….may point siya in pernes, ha! Jimi Escala