MANILA, Philippines – Isang helper ang natagpuang patay sa loob ng van habang nakaparada sa gilid ng kalsada ng Brgy. Maguyan, Silang, Cavite.
Ayon sa nakalap na report, kinilala ang biktima na si Nilo Adornado Rutaquio, isang Helper.
Ayon sa ulat, bandang ala-1:41 kamakalawa ng madaling araw ay nagpaalam umano ito na matutulog habang nakaparada sa gilid ng Alfamart Convinience Store sa nasabing lugar.
Nakalipas ang ilang oras ay nadiskubre na lamang ang wala nang buhay na katawan nito.
Agad naman na rumesponde ang Silang DRRMO kung saan idineklarang wala nang buhay ang biktima at sa ginawang inspeksiyon, wala namang nakitang sugat o senyales na pinahirapan ito kaya idineklarang walang naganap na foul play. MARGIE BAUTISTA