MANILA, Philippines – Sa oras na palarin makabalik sa Senado, isusulong ni dating Senate President “Vicente “Tito” Sotto ang pagkakaroon ng 14th month pay ng mga mangagawa.
“The 13th month pay was mandated by Presidential Decree 851 back in 1975. We need to push for a 14th month pay to help families cover expenses such as school tuition in June,” pahayag ni Sotto sa pressconference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas na ginanap sa Carmen, Davao del Norte.
Ayon kay Sotto, kung ang 13th month pay ay karaniwang natatanggap sa pagtatapos ng taon, ang 14th month pay ay ibibigay naman sa kalagitnaan ng taon, o tuwing Hunyo, kasabay ng maraming bayarin sa tuition fees.
Maliban sa dagdag benepisyo sa mga manggagawa ay isa pa sa isusulong ni Sotto para naman sa Mindanao ay ang pagkakaroon ng sapat na doctor sa rehiyon.
Titiyakin umano nito na may natatanggap ang Mindanao na medical scholarships upang mas marami ang maengganyo na magdoktor sa Mindanao dahil sa may tulong na scholarships.
“We need to increase the number of doctors in Mindanao, yet CHEd (Comission on Education) has been reducing scholarship slots. That’s unacceptable. We will ensure funding remains intact,” paliwanag nito.
Tutukan din ni Sotto agricultural sector sa Mindanao pangunahin na ang pagtugon sa problema sa agricultural smuggling at pagbibigay ng malaking pondo pata sa agricultural modernization. Gail Mendoza