Home NATIONWIDE Re-issuance ng arrest warrant sa 6 akusado sa kaso ng ‘missing sabungeros’...

Re-issuance ng arrest warrant sa 6 akusado sa kaso ng ‘missing sabungeros’ target ng DOJ

MANILA, Philippines – Igigiit ng Department of Justice ang muling pagpapalabas ng Manila RTC ng arrest warrant laban sa anim na akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hihilingin nila sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 40 na mag-issue muli ng warrant of arrest para matapos na ang kaso nang maayos.

Magugunita na Enero nang kanselahin ng Court of Appeals (CA) ang piyansa ng anim na akusado dahil nakagawa ang Manila RTC ng grave abuse of discretion ng pagbigyan ang bail petition nito.

Ang mga akusadong sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnny Consolacion, at Roberto Matillano Jr. ay pansamantalang nakalaya noong Disyembre 2023 matapos makapaglagak ng tig-P3 million piyansa.

Nilinaw ni Remulla na kinakailangan muli ang arrest warrant dahil ang bawat indibidwal ay hindi maaaring pagkaitan ng kanilang kalayaan nang walang dahilan. TERESA TAVARES