Home NATIONWIDE Isolated rains sa ilang lugar sa Pinas nakaamba ngayong Sabado

Isolated rains sa ilang lugar sa Pinas nakaamba ngayong Sabado

224
0

MANILA, Philippines- Iiral ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at isolated rains sa ilang parte ng bansa ngayong Sabado, ayon sa weather bureau PAGASA.

Sa 4 a.m. bulletin, makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Makaaapekto naman ang shear line sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region na magdadala ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.

Inaasahan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan mula sa  Northeast Monsoon habang makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorm.

Sumikat ang araw ng araw ng alas-6:13 ng umaga at lulubog ng alas-6:04 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here