
KUNG pagbabatayan ang resulta ng mga ‘survey,’ ‘sure ball,’ as in “wala nang katalo-talo” itong ating kaibigan at ‘idol’ na si Erwin Tulfo, bilang susunod na senador ng ating bansa.
Sa pinakahuling survey halimbawa ng ‘SWS’ nito lang Pebrero 15, hindi man lang “natinag” sa ‘Number 1’ si Idol Erwin, katulad nang resulta sa huling ‘SWS survey’ noong Disyembre, kaya ngayon pa lang, ‘with about 70 days before election,’ sinasabi na natin, “Magpakan…ton ka na, Idol!’
Hindi naman nga kasi nakapagtataka kung bakit ‘Numero Uno’ si Idol Erwin sa mga survey.
Siya kasi ang taong kilala natin na totoo kung makisama at hindi kailanman nalasing sa kanyang naging popularidad at kapangyarihan.
At dahil “gradweyt” sa ‘School of Common Sense’ na dinaanan din ang mahirap na buhay ng midya, sadyang kailangan ang kanyang talino sa Senado.
Sa panahon ngayon, kailangan natin ng lider na praktikal mag-isip ng mga solusyon. Si Idol Erwin yan!
Sa nasabing survey, “nakikita” na “matindi” pa rin ang ‘endorsement power’ ni PDU30, dahil ang dalawang senador na ‘identified’ sa kanya, si Sen. Bong Go at Bato dela Rosa, “umangat” pa nga sa puwesto, mula pang-4 kay SBG noong Disyembre, at ngayon ay pumangalawa na kay Erwin. Mula naman sa pang-14, pumasok na sa ‘Magic 10’ si Sen. Bato.
Kung ‘interesting’ na sa mga miron ang ganitong resulta, mas kapana-panabik ang resulta sa partylist election dahil lumalabas na sadyang “osla” na, as in, “laos” na at nawala na ang kredibilidad ng mga partylist ng CPP-NPA na lahat ay inaasahang hindi makakakuha ng ‘minimum 2-percent votes’ para mabigyan ng kahit isang silya sa Kongreso.
Aber, sadyang epektibo ang EO70 ni PDU30 na lumikha sa NTF-ELCAC dahil sa loob lang ng halos pitong taon, nagawa nitong buwagin ang istruktura ng CPP-NPA kahit sa loob ng Kongreso, bagay na hindi nagawa ng higit dalawang dekada ng batas militar.
Abangan!