Home HOME BANNER STORY Presyo ng langis, posibleng bumaba ng gang P5/L sa susunod na linggo

Presyo ng langis, posibleng bumaba ng gang P5/L sa susunod na linggo

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng malaking rollback sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Batay sa apat na araw ng kalakalan mula Agosto 3 hanggang 7, inaasahang bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Agosto 11.

Tinatayang magiging rollback ang mga sumusunod:

–Diesel: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro

–Gasolina: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro

–Kerosene: ₱4.00 hanggang ₱5.00 kada litro

Ayon sa mga pagtataya ng industriya, bumaba rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa world market ng humigit-kumulang ₱5.00 kada litro para sa diesel, ₱5.10 para sa gasolina, at ₱4.95 para sa kerosene.

Kung magpapatuloy ang trend na ito, mas mababang presyo ng krudo ang maaaring maramdaman ng mga motorista sa susunod na linggo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here