Home HOME BANNER STORY Pagsuko kay FPRRD bilang commitment sa Interpol, tinawag ni Bato na kalokohan

Pagsuko kay FPRRD bilang commitment sa Interpol, tinawag ni Bato na kalokohan

263
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na isang kalokohan ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagsuko ng pamahalaan sa International Criminal Court para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay bahagi ng commitment nito sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Sinabi ni Dela Rosa, na nagsilbing kauna-unahang police chief ng Philippine National Police sa administrasyong Duterte, “bull**sht” ang sinabing ito ni Marcos.

Sa rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Sabado, Marso 15, ipinanawagan ni Dela Rosa ang pagpapalaya kay Duterte at pagpapauwi sa bansa.

Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan bilang PNP chief mula 2016 hanggang 2018.

“[N]aging Chief PNP ako. Alam ko ano ang papel ng Interpol sa mundo. Huwag niyo ako lokohin. Commitment sa Interpol? Bu**s**t! Presidente ka ng Pilipinas! Magpa-pressure ka sa Interpol?” ani Dela Rosa.

“Pero ang lumalabas, mas gigil na gigil at atat na atat sila kaysa Interpol, kaysa ICC. Atat na atat sila na ibyahe si Pangulong Duterte. Bakit? ‘Di ba katungkulan ng ating gobyerno, ayon sa ating Konstitusyon, to serve and protect the Filipino people?” dagdag pa ng senador.

Matatandaan na inaresto si Duterte ng mga awtoridad noong Martes sa bisa ng warrant mula sa ICC.

Inilipad siya patungong The Hague sa kaparehong araw para harapin ang mga reklamo laban sa kanya sa ICC. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here