MANILA, Philippines – Asahan ang mapanganib na lebel ng heat index ngayong araw, Marso 16, sa Virac, Catanduanes at Zamboanga City.
Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa 42 degrees Celsius na heat index ang dalawang lugar.
Nitong Sabado, naitala sa Virac ang heat index na 43 degrees Celsius.
Hindi naman pumalo sa danger level ng heat index ang iba pang lugar sa Pilipinas.
Ikinokonsiderang mapanganib ang lebel ng heat index kapag ito ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C heat index, habang ang mga lugar naman na may 52°C pataas ay nasa extreme danger category.
Posible ang heat cramps, fatigue, at heat stroke sa tuloy-tuloy na exposure sa araw sa ilalim ng danger level na heat index.
Posible naman ang heat stroke sa mga lugar na nasa ilalim ng extreme danger heat index. RNT/JGC