Naghain si dating Senador Bam Aquino ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo bilang senador. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Isusulong ni senatorial aspirant Bam Aquino ang tax relief para sa mga maliliit na negosyo.
“Nais nating ipanukala ang pagbibigay ng tax relief sa maliliit na negosyo. Maliit na nga, bubuwisan mo pa, bagay na hindi dapat,” sinabi ni Aquino kasabay ng Livelihood Community Consultation kasama ang micro-entrepreneurs at iba pang manggagawa sa Quezon City.
Dagdag pa niya, isusulong din umano nito ang pinalawig na access sa loan na may maliit na interes para sa mga maliliit na negosyo.
“Kapag mas maganda ang tulong ng mga gobyerno at diretso sa maliliit na negosyo, marami ring magkakatrabaho,” ani Aquino. RNT/JGC