Home ENTERTAINMENT Bela, lalayas na sa London, mabigat ang puso!

Bela, lalayas na sa London, mabigat ang puso!

Hindi tao kundi tahanan ang labis na ikinalulungkot ni Bela Padilla sa kanyang pag-uwi rito sa bansa.

Lilisanin na kasi ng multi-slashie actress ang London, ang nagsilbing tahanan niya nang matagal na panahon.

On her Instagram, makikitang nag-iimpake na ng kanyang mga gamit si Bela.

She couldn’t help but get emotional.

Caption niya sa kanyang video post: “I fear that grief will set in when I miss the woman who lived in this home.”

Magkakaroon na raw kasi ng trabahong pagkakaabalahan dito si Bela.

In fairness, nilinaw naman noon ni Bela na hindi for good ang pananatili niya sa English capital.

Nag-comment naman ang kagrupo ni Bela sa AngBeKi na si Kim Chiu by posting heart emojis.

Nakaka-relieve naman sa pakiramdam ang comment ni KC Concepcion.

“Trust me when I say that you will always have that woman,” na ang tinutukoy niya siyempre ay mismong katauhan ni Bela.

Obyus na relate much si KC, herself an adventurous person na laging wala sa bansa.

Kunsabagay, Bela can put to use her talents once here dahil bukod sa pagiging aktres ay nagsusulat din siya ng script at nagdidirek. Ronnie Carrasco III