Home METRO Kelot grinipuhan ni tatay, dedbol!

Kelot grinipuhan ni tatay, dedbol!

215
0

LA UNION-Kamatayan ang sinapit ng isang 19-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang mismong ama sa bayan ng Sto. Tomas ng lalawigang ito nitong Martes, Marso 18.

Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at ang kanyang live-in partner.

Tinangka naman ng 68-anyos na suspek na payapain ang biktima pero siya ang napagbalingan nito hanggang sa silang dalawa na ang magtalo.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay sinaksak ng suspek ang biktima sa bandang dibdib.

Ang biktima ay isinugod sa ospital sa Agoo, La Union.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Agad namang naaresto ang suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here