
PANGASINAN- Tigok ang isang 18-anyos na lalaki matapos makuryente sa Dagupan City ng lalawigang ito kahapon, Marso 18.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima na isang construction worker ay residente ng naturang lungsod.
Nabatid na ang biktima at ang mga kasama niyang construction worker ay nagtatrabaho sa isang under-construction na building.
Aksidente umanong nasagi ng hinihilang steel bar ng biktima ang isang live wire kaya nakuryente ito.
Ang biktima ay agad na isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng doktor. Rolando S. Gamoso