ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) para sa proteksiyon ng lupaing katutubo at direktang paglahok nila sa paggogobyerno.
Ayon kay Brian Poe Llamanzares, ang mga Indigenous People ay patuloy na kinakaharap ang hamon sa pag-secure ng pagkilala at proteksyon ng kanilang mga ancestral domain dahil sa magkasalungat na mga batas at patakaran.







