NEW JERSEY, USA – Mabilis na lumala ang pagbaha sa ilang baybaying lugar ng New Jersey nitong Huwebes matapos magdala ang malakas na bagyo ng matinding hangin, malakas na ulan at pagtaas ng lebel ng tubig.
Sa kuhang video sa Sea Isle City, makikita ang mga sasakyan at emergency responder na dumaraan sa mga kalsadang binaha matapos umapaw ang tubig-dagat kasabay ng high tide.
Ayon sa mga lokal na ulat, ilang minuto lamang ay mabilis nang nagbago ang kondisyon dahil sa pagtaas ng tubig. Naitala rin ang pagbaha sa ilang bahagi ng Manasquan.
Nananatili namang nasa state of emergency ang New Jersey na idineklara bago dumating ang bagyo.
Nagbabala ang mga opisyal na posibleng magdulot ang sama ng panahon ng pinakamalalang pagbaha sa mga baybaying lugar sa loob ng ilang taon, kaya hinimok ang mga residente sa mga delikadong komunidad na maghanda. RNT/MDS