Home METRO Brgy. kagawad na tulak, timbog

Brgy. kagawad na tulak, timbog

APARRI, Cagayan – Timbog ang isang barangay kagawad sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Aparri, Cagayan.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Budoy”, 46-anyos, walang asawa, residente sa nasabing bayan at itinuturing na High Value Individual (HVI).

Nabili umano mula sa suspek ang isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu habang nakumpiska naman sa pag-iingat ng suspek ang isa (1) pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu, ang ginamit na buybust money na 1,000 peso bill at isang unit ng cellphone.

Nahaharap ang nasabing barangay kagawad sa kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)