Home METRO S. bound lane ng Honorio Lopez Blvd sa Maynila kukumpunahin ng 3...

S. bound lane ng Honorio Lopez Blvd sa Maynila kukumpunahin ng 3 linggo

MANILA, Philippines – Sisimulan na ang tatlong linggong rehabilitation sa kahabaan ng southbound lane ng Honorio Lopez Boulevard sa Maynila, Marso 19 ng gabi.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways – North Manila District Engineering Office (DPWH-NMDEO), sinabi na tatagal hanggang alas 10 ng gabi ng Abril 10 ang road works.

Sasaklawin ng aktibidad sa rehabilitasyon ang 50 linear meters ng southbound lane sa pagitan ng T. Earnshaw at Juan Luna St., ng partial lane closure.

Pinayuhan ang mga motorista sa mabagal na trapiko sa lugar.

Kasabay nito, naglabas ang DPWH ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista.

Pinayuhan silang magpatuloy sa pamamagitan ng Raxabago Street; Velazquez Street; T Earnshaw Street; Cavite Street; Pampanga Street; at Del Fierro Street. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)