Home METRO Lola inakay sa kulungan

Lola inakay sa kulungan

229
0

MANILA, Philippines- Huli ang dalawang itinuturing na High Value Individuals (HVI), kabilang ang isang lola matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Chief P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr. ang naarestong mga suspek na sina alyas “Edd”, 48, construction worker at alyas “Lola Aneng”, 61, kapwa ng Bagong Silang, Brgy. 176 ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Josefino Ligan, sinabi ni Lt. Col. Aniway na ikinasa nila ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA, nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek.

Dakong alas-3:44 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek sa Phase 2, Package 3 ,Block 71, Lot 7 Brgy. 176, makaraang matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na buyer na positibo na ang transaksyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 51 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P346,800, at buy-bust money.

Ani DDEU investigator PCpl Vanessa P Compas, sinampahan nila ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang mga suspek. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here