Home NATIONWIDE Tibay ng MRT-7 ‘di apektado ng pagguho ng poste sa West Ave

Tibay ng MRT-7 ‘di apektado ng pagguho ng poste sa West Ave

220
0

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi maaapektuhan ang integridad ng buong Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa kabila ng pagkakabasag ng isa sa mga poste nito sa kahabaan ng West Avenue sa Quezon City.

Ayon kay DOTr spokesperson Ramon Ilagan, patuloy pa ang pagkuha ng mga ulat tungkol sa insidente, ngunit binanggit niyang posibleng magpatuloy ang partial operations ng MRT-7 sa huling bahagi ng 2025 o sa susunod na taon.

Inilahad ni Ilagan na bagamat hindi maiiwasan ang ganitong aksidente, mas mabuti na nangyari ito ngayon kaysa kapag operational na ang MRT-7. Tiniyak niyang ang kaligtasan ng mga tao ang pinakamahalaga.

Ayon sa isang opisyal ng Barangay Philam, ang bored pile ng sistema ng tren, na magsisilbing pundasyon ng elevated turnback guideway, ang siyang gumuho noong Linggo ng hapon. Walang nasaktan sa insidente, ngunit naapektuhan ang mga kable ng kuryente sa malapit na lugar.

Inaasahang magsasagawa ng partial operations ang 12 stations ng MRT-7 sa ika-apat na kwarter ng 2025. Ang buong 22-kilometrong linya ng MRT-7 ay magkakaroon ng 14 na istasyon, at kapag ganap na operational, inaasahang makakapagbawas ng oras ng biyahe mula Quezon City patungong San Jose Del Monte sa Bulacan ng 35 minuto. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here