Home NATIONWIDE P1M high-value crops, napinsala sa ashfall ng Kanlaon

P1M high-value crops, napinsala sa ashfall ng Kanlaon

221
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa high-value commercial crops dahil sa ashfall mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon sa apat na barangay sa La Carlota City, Negros Occidental.

Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA), napuruhan ng ashfall ang 34 ektarya ng mga sakahan at taniman ng high-value crops katulad ng kape, saging, mga gulay, at root crops.

Apektado rito ang 48 magsasaka sa Barangays Haguimit, Ara-al, Cubay, at La Granja.

Pumalo sa mahigit P952,000 ang pinsala sa mga pananim na ito.

Ang La Carlota ang pinaka-apektado ng ashfall. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here