MANILA, Philippines – Iniurong sa Hulyo ang unang bugso ng negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Chile para sa free trade agreement.
Ito ang ibinigay na bagong petsa ni Trade Undersecretary Allan Gepty, at sinabing magsasagawa sila ng serye ng mga virtual discussion upang mapabilis ang usapin.
Si Gepty ang mangunguna sa negosasyon sa panig ng Manila.
“We are still finding a common schedule taking into account the timezone,” sinabi ni Gepty.
Matatandaan na unang itinakda ang negosasyon ngayong Abril.
Ang paglulunsad ng mga negosasyon ay inanunsyo noong Disyembre 6, 2024 na isinagawang magkasama nina Trade Secretary Ma. Cristina Roque at Chilean Foreign Affairs Minister Alberto van Klaveren.
Inaasahang magbibigay ng benepisyo sa Pilipinas ang proposed agreement, kabilang ang mas mabuting market access para sa key exports, mas mayabong na consumer welfare dahil sa mababang presyo, at pinasimpleng trade rules.
Noong 2023, umabot sa $141.24 milyon ang two-way trade sa mga produkto sa pagitan ng Pilipinas at Chile, ayon sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI).
Nasa kabuuang $37.84 milyon ang exports sa Chil, habang ang imports naman mula sa naturang bansa ay nasa $103.41 milyon.
Ang key export products mula sa Pilipinas patungong Chile ay ang mga isda at coconut products.
Sa kabilang banda, ang major imports naman mula sa Chile ay ang copper ores, at concentrates. RNT/JGC