Home HOME BANNER STORY China nanindigan, walang interes na makialam sa 2025 polls

China nanindigan, walang interes na makialam sa 2025 polls

MANILA, Philippines – Itinanggi ng China ang ulat ng National Security Council (NSC) na nakikialam ang Beijing sa papalapit na halalan sa Pilipinas.

Sa press conference nitong Huwebes, Abril 24, sinabi ni Chinese foreign ministry spokesperson Guo Jiakun na, “China follows the principle of non-interference in other countries’ domestic affairs.”

“We have no interest in interfering in Philippine elections.”

Matatandaan na sa Senate inquiry kaugnay sa submersible drones at umano’y espionage activities ng China sa Pilipinas, sumagot si NSC spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya sa tanong patungkol sa operasyon ng China sa sinusuportahan nitong mga kandidato.

“There are indications that information operations are being conducted… are Chinese state-sponsored in the Philippines and are actually interfering in the forthcoming elections,” ani Malaya.

Nang tanungin naman kung may mga kandidatong nais ang China na manalo, ang sagot naman ni Malaya ay “Yes, there are indications of that.”

Sinabi rin ng NSC na natukoy na nila ang mga kandidato na suportado ng China.

“Mayroon tayong natanggap na intelligence information coming from different agencies na kasama natin. Kahit ‘yung nakikita sa social media na tumutuligsa sa Comelec o sa proseso, naka-automatic bot po yun. Ito ay nanggaling sa ibang bansa at hindi sa atin bansa. Pero may mga ginagamit dito upang masigurado na kung ano ima-magnify o palalakihin na isyu, ‘yun ang makikita ng sambayanan,” pahayag naman ni Comelec chairman George Erwin Garcia.

Sa kabila nito, siniguro ni Garcia na ang paparating na halalan ay magiging patas at tapat. RNT/JGC