MANILA, Philippines- Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-atake noong Abril 20 laban sa isang radio broadcaster na pinaulanan ng bala ang bahay sa Talisay City, Negros Occidental na nakapinsala rin sa mga nakaparadang sasakyan.
Batay sa ulat, sinabi ng CHR na natutulog si Rey Siason, may programa sa dyRL Radyo Pilipino at dyKB RPN-Bacolod, nang makarinig ng mga putok ng baril sa labas ng kanyang tahanan.
Iniulat na natuklasan ng mga pulis kalaunan ang empty shells mula sa .45 caliber pistol at 16 deformed casings sa damuhan. Nadiskubre rin ang mga tama ng bala sa kanilang mga sasakyan.
Sinabi pa rito na madalas talakayin ni Siason sa iba’t ibang political issues na kinasasangkutan ng ilang personalidad sa various figures lugar. Bago ang pag-atake, nakatanggap na siya ng death threats at pagtatangka sa kanyang buhay ng mga hindi nakilalang salarin noong 2018, dagdag pa.
Bago pa maghain si Siason ng kanyang kandidatura para sa pagka-konsehal sa Talisay City para sa 2019 elections, pinaulanan ng bala ang kanyang tahanan, base sa CHR.
“This alarming attack sends a chilling effect across the media landscape in the country. The Commission reiterates that media workers must be able to fulfill their duties without fear of threats, harassment, or violence,” giit nito.
“Any attack on this right is an assault on democracy itself. When journalists and media practitioners are silenced through fear, the integrity of our democratic processes is gravely endangered.”
Nanawagan ito sa Philippine National Police (PNP) at mga kinauukulan na aksyunan agad ang insidente, at tiyaking mapananagot ang mga salarin. RNT/SA