Home NATIONWIDE Palasyo sa kampanya ng kampo ni Duterte: ‘Good luck’

Palasyo sa kampanya ng kampo ni Duterte: ‘Good luck’

MANILA, Philippines- ”Good luck.”

Ito ang maiksing mensahe ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro nang tanungin ukol sa agresibong kampanya ng pamilya Duterte para sa Eleksyon 2025.

Nauna nang sinabi ni Vice President Sara Duterte na buo ang suporta nito sa kanilang senatorial candidates para sa midterm elections. Aniya, inatasan siya ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na himukin ang mga botanteng iboto ang senatorial bets na ineendorso nila.

”Humingi kasi ako ng tulong dahil konti na lang ‘yung oras at ang utos sa akin ni PRRD ay idiretso sa mga tao, diretso sabihin sa kanila na i-block vote, i-straight voting ‘yung sampu. So humingi ako ng tulong,” pahayag ni Duterte sa isang panayam sa Negros Occidental.

Ineendorso ng dating Pangulo ang kandidatura ng mga sumusunod:

  • Senator Bong Go;

  • Senator Ronald “Bato” Dela Rosa;

  • lawyer-singer Jimmy Bondoc;

  • lawyer Raul Lambino;

  • actor Philip Salvador;

  • lawyer Jayvee Hinlo;

  • Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta;

  • detained pastor Apollo Quiboloy;

  • former executive secretary Vic Rodriguez;

  • Dr. Richard Mata;

Sinabi rin ni Davao City Representative Paolo Duterte na ineendorso ng kanilang ama ang kandidatura ni retired Colonel Ariel Querubin; at dating senador Gringo Honasan. RNT/SA